Larawan sa Friendster
Ni Ronelo S. Ladiao
Ni Ronelo S. Ladiao
“I’m beautifully broken and I don’t care if you know it, I’m beautifully broken and I don’t mind if I show it…”
Lines from ‘Beautifully Broken’ By Ashlee Simpson

Napapikit ako. Ang mga hilam na luha ko’y umagos sa aking pisngi na parang dugo mula sa kaibuturan ng aking pusong pinapatay ng katotohanan. Katotohanan na kailanman ay hindi na kami magkikita pa.
Pero iminulat ko pa rin ang aking mga mata at itinuloy ang aking ginagawa sa internet, sa Friendster. Login name: rslphoenix@yahoo.com, password: hex77…you have one friend request. Tiningnan ko muna kung sino ang nais dumagdag sa napakaraming kaibigan ko sa Friendster. Nagulat ako sa nakalagay na larawan niya. Isang lumilipad na saranggola ang larawan niya at “J” daw ang palayaw niya. Ah, Bahala siya…friend request: cancel.
Tumunog ang cellphone ko dahil may teks. Naku, nagteks ang kaklase ko at mahuhuli na raw ako sa klase ni Sir Frank, instrikto pa naman ‘yon. Patakbo akong lumabas sa internet station papunta sa University matapos akong maglag-out sa Friendster at magbayad sa kahera.
“ Aba, may isa pang bakasyunista na nahuli sa klase,” insulto ng mataray kong propesor sa Pol Sci nang pumasok ako sa pintuan ng classroom. Pero hindi ako naapektuhan sa kanyang sinabi, sa halip iba ang bumabagabag sa isipan ko nitong nakaraang linggo. Nasaktan talaga ako sa biglaan at walang paalam na pagpunta ni Ricardo sa Australiav kasama ang kanyang mga magulang. Hindi ko matanggap sa kaloob-looban ko na kaya niya akong iwanan sa kabila ng malalim na pinagsamahan namin mula pa noong hayskul hanggang magkolehiyo kami.
Siya ang tangi kong bestfriend sa hayskul at nang pumasok kami sa parehong paaralan sa kolehiyo, niligawan niya ako nang tumuntong kami sa third year. Kung kailan ko pa naman siya sinagot sa panliligaw niya noong nakaraang lingo, saka pa siya naglaho na walang paalam at nalaman ko pa ito sa kanyang kaibigan.
Sinubukan kong magteks at magpadala ng mensahe sa Friendster ngunit wala akong napalang kasagutan mula sa kanya. Ang kaligayahn ko sa piling niya noon ay napalitan ng masamang panaginip sa pag-ibig, isang malalim na sugat ang iniwan niya.
“Miss Rhenia Sanchez, ang sabi ko sa inyo kumuha ng papel at may long quiz tayo ngayon!,” medyo galit na wika ni Sir Frank. Naku, paano na ito? Hindi pa naman ako nagreview kagabi dahil sa kakaisip ko sa aking problema at pagbabad sa internet na nagbabakasakaling sagutin man lang ni Ricardo ang mensahe ko sa Friendster. Ngayon blangko talaga ang utak ko dahil sa aking pusong tuliro.
“Psst, classmate huwag kang maingay dahil pakokopyahin kita ng answers sa long quiz ni Sir,” napalingon ako sa sinabi ng aking katabi. Aba, napakabait naman pala nang isang ‘to at alam pa yata niya na dehado na ako sa pagsusulit. Sige na nga at kahit papano ay may isang mala-anghel na kaklase ko ang sumaklolo sa akin na ang pangalan ay…
“…Richard, salamat talaga sa pagsalba mo sa long quiz kanina ha,” sabi ko habang nasa Cafeteria kami para ilibre siya ng meryienda bilang ganti sa kanyang kabaitan.
“Okay lang, at least kahit transferee ako may bago naman akong kaibigan,” ngumiti lang siya at parang may naalala ako nang malapitan kong nakita ang kanynag maamong mukha… si Ricardo. Kahit paano ay pansamantala kong nakalimutan ang aking problema sa pagiging malapit namin ni Richard sa isa’t-isa. Pinapatawa rin niya ako kapag napansin nitong medyo malungkot o nakasimangot ako. Parati siyang tumatawag siya sa cellphone ko at minsan naman iniimbita niya akong kumain sa labas. Marahil hulog nga siya ng langit sa buhay ko ngunit sa kaloob-looban ko‘y hindi pa rin iyon sapat upang tuluyan kong makalimutan si …Ricardo.
“Hoy, ngumiti ka naman diyan! O sige, ililibre na lang kita sa internet ngayon,” pangungulit ni Richard at sabay hila sa akin papunta sa malapit na internet station. Alam niyang iniisip ko na naman ang problema ko dahil ipinagtapat ko ang lahat-lahat sa kanya noong isang linggo.
Friendster…login name: rslphoenix, password: hex77…you have one friend request…cancel! Siya na naman? Nakakainis naman ang misteryosong si “J” dahil kahit ilan daang beses mong i-cancel ang mga friend requests niya, hindi pa rin tumitigil. Manigas siya dahil gusto ko lahat ng idadagdag ko sa listahan ng mga kaibigan ko sa Friendster ay may mukha at hindi nababalutan ng kung anong misteryong larawan ang profile nito. Kaya bahala siya at mamatay ka sa kaka-friend request.
“O bakit nakasimagot ka na naman diyan?” bulalas ni Richard mula sa katabing computer nang makita na naman ang pagkainis sa mukha ko.
“Paano kasi nakakainis ang ‘J’ na ito at palaging may friend request. Hindi ko maintindihan kung bakit larawan ng saranggola ang nasa Friendster profile niya,” mataray kong sagot kay Richard. Ngumiti na lang siya imbes na magtanong pa. Napangiti na rin ako at napansin kong guwapo rin pala ang kaibigan ko kapag sinusubukan niya akong patawanin. Marami silang pagkakahawig ng ugali ni Ricardo. Mula sa pagiging malambing nito hanggang sa hindi maiiwasang kakulitan. Pakiramdam ko tuloy ay nahuhulog na rin ang damdamin ko sa kanya at ang mga kislap sa kanyang mga mata ay may nagpapahiwatig na mayroon din siyang nais ipagtapat…sana ipagtapat na niya ito sa akin para tuluyan na akong makalimot sa kahapon.
Gabi ng Foundation Anniversary ng aming University. Halos lahat ng mga estudyante ay nakikisaya sa Rockfest concert dito sa Auditoruim. Paano kasi dumating ang mga sikat na banda mula sa Maynila tulad ng Hale, Spongecola, Kamikaz, Cushei at Kuwatrokantos. Naroon din kami ni Richard para manood ng palabas dahil pareho kaming mahilig sa musika.
“M-may sasabihin sana ako sa iyo,” mahinahang bulong ni Richard sa akin habang siksikan ang mga estudyante. Hindi ko iyon pinansin dahil may nais din akong ipagawa sa kanya.
“Buhatin mo naman ako kahit sandali lang kasi hindi ko makita ang mga banda sa dami ng mga nanonood… please,” pagpapa-cute kong pakiusap sa kanya.
“Sige na nga para matapos na ang pangungulit mo,” napangiti na lang siya imbes na mainis. Ngunit nang buhatin niya ako ay bigla siyang nadulas at nawalan ng balanse. Bumagsak kaming dalawa pero nagawa pa rin naming tumawa. Nang tumayo siya ay may napansin akong nalaglag sa kanyang bulsa. Hindi niya namalayan na pinulot ko ito. Postcard lang pala at kahit madilim napansin kong pamilyar ito. Medyo mahirap makakita dahil sa mga sumasayaw na ilaw mula sa entablado ngunit talagang pamilyar ang postcard dahil ang larawan dito ang parehong larawan ng saranggolang ginagamit ng misteryosong si “J” sa Friendster na laging napapadala ng friend request. Binasa ko ang nakasulat sa likod ng postcard at bumilis ang pintig ng puso ko sa aking nabasa…

Rhen,
Sana
mapatawad mo ako sa aking paglayo. Nais ko sana’y malaman mo na mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko. Whenever I go, you have a piece of me that only you can return to its proper place and make me whole again.
Ricardo

“R-rhen?” tinig ni iyon ni Richard. Halos hindi siya makapagsalita nang makita akong hawak na ang postcard habang umaagos ang aking mga luha. Alam niyang nagulat ako sa aking nabasa at higit sa lahat, totoong sulat-kamay ni Ricardo ang mensaheng nakasulat sa likod ng postcard. Hindi ko matanggap sa aking sarili na niloko niya ako sa loob ng isa’t kalahating taon.
“Bakit Richard, hindi ko maintindihan kung bakit may postcard kang may sulat-kamay ni Rocardo?” puno ng hinanakit ang tinig ko. Patakbo akong umalis dahil parang gugunaw na aking mundo ng mga sandaling iyon. Hinabol ako ni Richard ngunit hindi niya ako naabutan dahil mabilis akong nakasakay sa taxi pauwi.
Nagising ako sa tawag ng roommate ko. May bisita raw ako na ayaw umalis at buong araw sa naghihintay. Dalawang linggo akong nagmukmok sa kuwarto at halos mamatay sa kakaiyak. Pumunta ako sa sala kung saan naghihintay si Richard.
“Rhen, sumama ka naman sa akin kahit ngayon lang dahil may gusto akong ipakita sa iyo,” pakiusap ni Richard. Wala akong magawa kundi pagbigyan siya…
“S-sana, mapatawad mo ako sa aking paglayo nang walang paalam. Naduwag kasi akong ipagtapat sa ‘yo na…may taning na ang aking buhay dahil sa kanser sa utak. Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita at ayokong makita kang umiiyak…” halos pautal-utal na wika ni Ricardo habang nakaratay sa kama ng ospital. Isinama raw si Ricardo ng kanyang mga magulang sa Australia upang magbabakasakaling malunasan pa ang kanyang malubhang karamdaman. Ngunit bago siya umalis ay ipinagbilin niya ako sa kanyang pinsan na si…Richard para bantayan. Kaya pala parang angel si Richard na laging nagbabantay sa tabi ko at pilit na pinapasaya ako sa gitna ng kalungkutan. Kaya pala kahit nararamdaman kong may pagtingin rin siya sa akin ay mas minabuti niyang manahimik at itago ang kanyang pag-ibig sa akin. Masakit pa rin ang katotohanan dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya kayang higitan si Ricardo sa puso ko…hindi.
“Ikaw pala ‘yon sa Friendster… Ricardo, ikaw pala ‘yon,” maraming gustong sabihin ang aking puso ngunit ito lang ang kaya ko. Tila nadudurog ang sugatan kong puso sa nakikitang pakikipaglaban ni Ricardo sa kamatayan at piliting mabuhay kahit ilang sandali lang para makapiling ako. Hindi na raw makayanan ng makabagong medisina ang kanyang malubhang sakit kung kaya mas minabuti na lang ng kanyang pamilya na iuwi siya sa Pilipinas.
“L-lalayo na ako pero kahit saan man ako dalhin ng hangin alam kong hawak-hawak mo pa rin ang munting tali na nag-uugay sa ating masasayang alaala kahapon, mga pangarap na naputol at pusong tapat na nagmamahalan. Lilipad ako na parang saranggola sa himpapawid habang ikaw ay nakatanaw mula sa malayo kasama si Richard, ang napakabuti kong pinsan…
sana
lumigaya kayo…” nakangiti pa ring wika ni Ricardo na halos nabulag na dahil sa malubhang karamdaman.
Napakahigpit ng hawak ko sa kanyang mga kamay at tanging mga hilam na luha ko lang ang maisagot ko sa kanyang nakakadurog-pusong pananalita. Hindi ko mapigilan ang aking sarili at hinalikan ko siya sa noo habang pumapatak ang aking mga luha sa kanyang nanalalamig na pisngi. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang na tumigil na ang kanyang puso sa pagtibok …at napapikit ako.
Kahapon lang kami gumradweyt ni Richard sa kolehiyo. Magiging ganap na rin akong guro pagkatapos ng board exam. Si Richard naman ay magiging mahusay na nars sa iabgn bansa. Bumalik na sa Australia ang mga magulang ni Ricardo matapos i-cremate ang kanyang katawan. Huling habilin niya na itapon sa lawa malapit sa kanilang bahay bakasyunan ang kanyang mga abo matapos ang araw ng aming gradwasyon ni Richard sa kolehiyo.
Takip-silim na at nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Sa wakas lulubog na rin ang araw upang bigyang daan ang gabi dahil bukas sisiskat muli ito para sa panibagong yugto ng aking buhay. Ito ang tadhana naming tatlo. Mamaya ay sisimulan na naming pakawalan ang mga abo ni Ricardo sa hanging magdadala sa kanya palayo sa amin at pabalik sa piling ng Poong Maykapal. Salamat sa tadhanang ibinigay niya sa amin dahil higit kong napatunayan na makapangyarihan at walang hanggan ang pag-ibig.
Alam kong nabubuhay pa rin si Ricardo sa pagkatao ni Richard.
Tinatawag na ako ngayon ni Richard mula sa gilid ng lawa malapit sa bahay bakasyunanan nila. Nagpapalipad siya ng saranggola habang pinagmamasdan niya itong sumasayaw sa himpapawid.
Napapikit ako. Ang mga butil ng luha sa aking pisngi ay nagmumula sa aking pusong naghihilom mula sa sugat ng katotohanan. Katotohanan na kailanma'y hindi na siya mawawala sa aking alaala magpakailanman.
Iminulat ko ang aking mga mata. Bago ako lumabas para samahan si Richard na itapon sa lawa ang mga abo ni Ricardo ay kailangang magawa ko ito sa internet, kahit sa huling pagkakataon...
Friendster, login name: rslphoenix@yahoo.com, password: hex77…you have one friend request…. Approved:-)

The writer’s thoughts: This is my fourth Tagalog short story published in the Central Echo, Central Philippine University’s official student publication since my three other short stories: Blangkong Teks, Teks sa Outbox and Ringtone. I am grateful to the present and past editors of CE who gave me the chance to let my stories get published and touch other young people’s heart. I wish I could write more stories that inspire people to never give up on love, the reason we live and die for a REASON. My next story in the CE portfolio this December 2006 might be about Hinduism, textmates, soulmates, pasaload, World War II, Martial Law, soap opera, Charmed and … something to do with breaking all the writer’s rules of endearment.